Our post valentines date. Pinto Art Museum. 02/16/14.

It’s a been a while

Wow… Matagal tagal na din since yung last time na nakapagsulat ako dito ah. Nakakamiss din! Sa mga nakalipas na buwan, madami dami na akong di naisulat dito na events, stories, chismis (haha) at kung ano ano pa na pinagdaanan naming dalawa. Gaya ng birthday parties, binyagan, simba, movie dates, pamumundok, christmas, new year at kung ano ano pang kachisihan naming dalawa. Hehe. Opo, kami pa din ng Pepay Ko. Happy and strong. Last January 5 ay nag celebrate kami ng aming 20th Monthsary. 

We remain strong. Walang pressure. May mga away at tampuhan pero napaguusapan at naaayos naman namin kaagad. Sabi nga nila, natural lang yun sa relasyon. Di pwedeng saya lang lagi. May mga down din. Pero ang kagandahan is mas marami ang saya namin and I believe, that’s what keeps this relationship lasts — that we never stop making an effort para mapasaya ang isa’t isa. Walang bumibitaw and I pray to God na ma-maintain namin ang ganun.

Maikli lang ang post na ito. I just wanted to express how I feel sa blog na ito gaya nung mga naunang buwan. Dino-document lang kung baga. Isa pang rason is bigla ko lang din namiss ang Pepay Ko. =]

I love you po and see you soooooooon =*

Happy Birthday to my partner in crime, to my BESTFRIEND, to my BOYFRIEND for life. May your 24th year be wonderful. More blessings and more opportunities in life. i’m always here to support you in every decisions you will make. i love you! :* 

Meron na talagang Geejay at Pepay

Makalipas ang more than a year masasabi kong established na talaga ang tambalan namin ni Pepay [tambalan na ang ginamit ko na word hahaha]. Ang ibig ko lang sabihin ay di na pwede yung “Arem na walang Pepay” at “Pepay na walang Arem”. Pwede pa din naman pero madalas yung “di pwede” na part. Gets? Hehehe Basta po. 

Ito yung kapag wala yung isa ay laging may nagtatanong kung nasaan yung isa. O kapag may gala ang isa, paniguradong may magiisip na magkikita kami. Ganun po… which is nakakatuwa sa part ko kasi ibig sabihin lang nun ay ok sa iba yung relasyon namin at kalat na sa iba yung pagmamahalan namin. Baduy basahin pero totoo naman kasi. :]

Madalas tuwing aalis ako ng bahay laging tinatanong sa akin kung saan kami magkikita ni Pepay. Yup yun na agad. Di na muna nila tinatanong kung si Pepay ba talaga ang kasama ko. 99% naman kasi ang percentage na si Pepay nga talaga ang kasama ko [1% ay barkada o ako]. At sa paguwi ko naman… itatanong nila kung naihatid ko ba si Pepay sa kanila. Di ako tatantanan ng nanay ko hanggat di ako sumasagot sa tanong niya. Gusto kasi nila na sa tuwing nilalabas ko si Pepay ay inihahatid ko din pauwi. Pero di na nila dapat problemahin yun. Alam ko naman na yun talaga ang dapat. :P May mga time pa nga na magkatext ang girlfriend ko at ang Mamita ko. Madaya nga lang kasi may mga times na di nila sinasabi saken yung pinaguusapan nila. Hmp!

Well, ganun din naman kina Pepay. Lagi nilang pinapatext kay Pepay na sabihan ako tuwing may okasyon sa kanila. Heads up kumbaga. Mapa-kasalan, birthday-an, outing pa yan. Lagi nila akong pinapasama at lagi kong nararamdaman na welcome ako sa kanila. Ramdam ko na parang part na ko ng pamilya niya. Masaya ako kasi alam kong tanggap ako ng family ni Pepay gaya ng pagtanggap ng family ko sa kanya. Kaya naman masasabi kong napakaswerte ko for having my family, Pepay and also her family. Yun na ata ang isa sa pinaka the best na pakiramdam sa isang relasyon - yung walang conflict sa family.

Bonus pa dito ay ang pagtanggap ng mga kaibigan namin. Madalas sa mga lakad magkasama pa din kami. Sa lakad ng Bullies, ng Kapitolyo at paminsan minsan ng USTG. 

Sa ngayon wala na kong mahihiling pa sa relasyon na ito. Ibubuhos ko nalang ang lahat ng kaya ko para tumagal at di na masira to… dasal at gawa na lang. :]

Hello 365 days!

Masaya lang lumipas ang labing dalawang buwan. Hindi ko lang akalain na ganoon kabilis lumipas. Siguro nga, tama sila. Di mo mamamalayan ang panahon pag masaya kayo. And yes! Ngayon, masasabi kong totoo ito. Naka isang taon na kami ni Geejay. Isang buong taon na masaya. Happy 1st Anniversary sa atin!!!

Bilang isang ma sikreto at mahilig sa surprise sya, may pakulo na naman syang ginawa. Napag usapan namin ang anniversray at sabi nya, sya na daw ang bahalang magpaalam sa magulang ko. Kung hindi nyo naitatanong, mejo mahigpit sila . Hindi kami nakaka alis ng basta batsa lalong lalo na sa malayo. Clueless ako sa balak nyang plano sa Anniversary namin. Hanggang isang araw, nagtext sya sakin na “see you on Sunday!” at doon palang, nangulit na ako kung paano nya ako pinagpaalam at saan at kung ano ano pang mga tanong. Sa dami kong itinanong kay Geejay, isa lang lagi ang sinasabi nya at ito ay SI-KRE-TO. Finee..haha! Hanggang sa Dumating ang araw ng anniversary, clueless pa din ako. Ano ang surprise?? CORREGIDOR TOUR!! Wow! noong naglalakad na kami papuntang ccp at nakikita ko ng may maliliit na barko, naisip ko agad, Tour. Pero hindi ko alam kung saan. Sa kabuuan, sobra akong na surprise sa pakulo nya. Di ko alam kung ano ang sinabi nya at napa payag nya ang magulang ko. Though tiwala naman sila sa kanya. Natutuwa ako kasi napaka effort nya. Habang nasa byahe kami, naisip naming mag laro ng games ko sa Ipad dahil na din sa tagal ng byahe. At naiinis ako kas noong una, niyayabangan ko pa sya dahil palaging talo sa Friut Ninja pero mukhang pinagbigyan lang ako. He’s a man to beat!! (babawi pa din ako). 

Noong nakarating na kami, sobra ata akong nainlove sa Lugar. Sobrang ganda! tahimik. at napaka ganda ng dagat. Perfect! Pero napaka init din talaga. Sunugan ang labanan namind dalawa at hindi ako umurong don. Nagpicture kami kung saan saan sa ilalim ng napaka init na sikat ng araw. Nag swimming din kasi hindi na namin kinaya ang init. Hindi na din kami masyado nakapag activity pero ok lang yun. Yung makasama ko lang sya, its more than enough. :)

Gusto pa sana naming mag lakad lakad kaso kailangan na ulit namin bumalik sa manila.  Pag upo pa lang namin, naramdaman ko na agad ang pagod at alam kong mas lalo si Geejay kaya pinili na lang muna naming matulog saglit. Pero saglit lang kasi sayang ang oras. Ano na naman ang trip namin? Pinuno namin ng wacky photos ang ipad.. Andun na naman ang mga kakulitan gaya ng patangusan ng ilong. haha! Im the girl to beat! yess! hihi! :p

Pagdating namin ng Mla, gutom na gutom na talaga kami at maaga pa naman kaya nag decide kami kumain sa Moa. Parehas kami nagccrave sa lutong bahay esp. Bulalo. Parehas kasi naming favorite yun. At nauwi kami sa food court. Para kaming galit-galit mode. Halos hindi na nagpansinan habang kumakain. hahaha! nakaka tawa talaga yun. 

At eto na naman ang oras na ayaw namin. Oras na naman ng pag uwi. Oras na para ihatid nya ako sa bahay. Parang bitin kasi yung oras noon pero ganon talaga. Kelangan na mag bye-bye MUNA. Pero ok lang, eto naman ang start ulit ng countdown naming dalawa para sa pangalawang taon. :]

Nakakatuwa lang isipin at balikan na dati, nakakasama ko siya lagi at nag gagala kami bilang isang magkaibigan at ngayon, bilang boyfriend-girlfriend. Panahon nga naman… :)

HAPPY ANNIVERSAY! I LOVE YOU! 

-pepay :)